24 April 2020

Danao City, Cebu

Malaking pasasalamat ang aming pinaaabot sa affiliate namin from Cebu na bukod sa siya mismo ang nag donate at ang kanyang kaibigan, sila pa mismo ang nag volunteer para makabigay tulong sa mahihirap ng Bgy. Cambanay, Danao.

13 April 2020

Our First Outreach

Sa panahon ngayon wala nang puwang ang pagiging makasarili. Pero huwag din naman natin pabayaan ang ating mga sarili lalo na sa banta ng #COVID. Huwag natin balewalain ang mga nasa frontline na may pinakamataas na chance mahawa dahil sa kanilang mga trabaho. Lalo na si manong guard at mga barangay tanod.

Bilang paglunsad ng ating charity project, namigay kami ng 2 sakong bigas sa isang depressed area sa Baliuag, Bulacan ng tiga 2 kilo dahil nakita namin na kulang pa sa isang pamilya ang isang kilo lang sa dami ng nakatira sa isang bahay. Kahit kinulang kami sa dami ng mga nais makahingi, masaya pa rin na isipin dahil sa simpleng programa natin at sa tulomg ninyo ay meron 26 na pamilya ang napawi ang gutom sa araw na ito.

Salamat sa Diyos, salamat sa inyo at sa mga gumagamit ng CryptoPeso Mobile app natin. Sa bawat oras na paggamit ninyo ay may naiaambag kayo para may makain ang isang pamilya sa isang araw.